Kenyan nanguna sa ultra marathon
LEGAZPI CITY , Philippines — Pinagwagian ng isang Kenyan ang isinagawang 50 mile run for climate na tinagurian na 360 degrees ultra marathon na kung saan aabot ng 80 kilometro na umikot sa bulkang mayon kahapon ng umaga. Ang nagwagi ay kinilalang si William Rotich, 19, isang Kenyan national na nakapagtala ng 6 na oras 7 minuto, 24 na segundo, ang ikalawang puwesto ay pinanalunan naman ni Alley Quisay ng Bolinao, Pangasinan ng nakapagtala ng 6 na oras 41 minuto at 8 segundo. at ang ikatlong puwesto naman na nakuha ni Mario Maglinao, 23, ng Legazpi City na nakapagtala ng 7 oras 9 na minuto at 11 segundo. Ang naturang marathon ay bahagi ng mga aktibidad ng Magayon Festival na tatagal sa loob ng isang buwan na nagsimula nitong Abril 1. Nagsimula ang pagtakbo ng aabot na 80 katao kalahok na nagmumula pa sa iba't ibang bahagi ng bansa at may mga dayuhan na lumahok sa naturang marathon.
- Latest
- Trending