Babaeng chop-chop victim natagpuan

Camp Vicente Lim, Laguna , Philippines –  Karumal-dumal ang sinapit ng isang babae matapos matagpuan ang putul-putol na katawan nito sa madamong bahagi ng South Luzon Expressway toll plaza sa Calamba City Laguna noong Biyernes ng hapon.

Ayon kay Police Officer Mac Ayyel Masarap, duty officer ng Calamba police nakatanggap sila ng tawag mula sa mga opisyal ng Brgy. Mayapa sa natagpuang putul-putol na bangkay ng biktima sa lugar bandang alas-5 ng hapon.

Batay sa imbestigas­yon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), may edad ang biktima sa pagitan ng 14 hanggang 17 anyos. Wala namang natagpuang mga bagay na pagkakakilanlan sa biktima.

Samantala, inilagak na ng mga pulis ang labi ng biktima sa isang morgue sa Calamba City para sa kaukulang disposisyon.

Show comments