Kano tinodas ng 16-anyos na GF, 3 pa
MANILA, Philippines - Dahilan sa ipinagpalit sa ibang babae at tumigil na sa pagbibigay ng pera, pinatay ng isang 16-anyos na dalagita at tatlo pang gang member ang 76-anyos na Kano na sugar daddy ng una bunga ng matinding selos sa Cebu City kamakalawa ng gabi.
Batay sa ulat ng Cebu City Police, naganap ang pagpatay sa biktimang si Leamon Wesley Casteen Jr., tubong South Carolina na tinadtad ng tama ng bala sa tinutuluyan nitong apartment na matatagpuan sa Sanchez Building, Sanciangko St. ng lungsod dakong alas-9 ng gabi.
Sumuko naman sa mga awtoridad matapos makonsensya ang isa sa mga suspek na si Jordan Galiste, 18-anyos at ikinanta ang inabandonang 16 anyos na girlfriend ng Kano na itinago sa pangalang Suzette bunga ng pagiging menor-de-edad nito na siyang mastermind sa krimen. Ikinanta rin ni Galiste sa mga awtoridad ang mga kasabwat sa krimen na sina Cyril Aldez Flores, 27 at isa pang miyembro ng Tanduay Survivor clan, isang gang sa lungsod.
Sa testimonya ng security guard sa apartment na si Nelson Barquio, pinatuloy niya sa gate sina Suzette at mga kasamahan nito kung saan hindi niya ininspeksyon ang bag na dala ng mga suspek na siyang pinaglagyan cal. 45 pistol na ginamit sa krimen. Ilang saglit pa ay nakarinig siya ng sunud-sunod na putok ng baril at ng tunguhin niya ang apartment ng biktima ay nakita niya ang apat na suspek habang tumatalilis sa crime scene.
Natuklasan umano ni Suzette na may iba ng kinalolokohang 17 anyos na tinedyer si Casteen kaya nagalit ito dahilan hindi na siya binibigyan ng pera ng naturang Kano na siyang motibo ng krimen.
- Latest
- Trending