^

Probinsiya

Opisyal ng SBMA hinaras

- Ni Randy Datu -

SUBIC BAY FREEPORT ZONE, Philippines – Kinondena kahapon ng isang opisyal ng Subic Bay Metropolitan Authority ang ginawang paghaharas ng dalawang opisyal sa nabanggit na ahensya kung saan nilalabag ang umiiral na batas ng Civil Service Commision.

Ayon kay SBMA Deputy Administrnator for Legal Affairs Atty. Randy B. Escolango, dapat tanggapin nina SBMA Administrator Armand Arreza at Senior Deputy Administrator for Support Services Atty. Ramon Agregado na wala silang kapangyarihang magparusa o kaya magtanggal ng isang kawani ng SBMA.

Batay sa CSC Memorandum Circular 19, S. 1999, tangging ang head of agency na si SBMA Chairman Feliciano Salonga ang may kakayahang magdisiplina o magpasibak sa puwesto laban sa isang kawani na napatunayang lumabas sa pinaiiral na batas.

Bunsod nito, nanindigan si Atty. Escolango na walang saysay ang kautusan ni Agregado na isurender ang lahat ng gamit ng SBMA na nasa kanyang pag-iingat at lisanin ang opisina sa loob ng 24-oras noong Miyerkules.

Si Escolango ay sinibak ni Arreza matapos tumang­ging baguhin ang legal opinion hinggil sa termino nina SBMA Administrator Arreza at Chairman Salonga na sinasabing nagtapos na noong April 2010 pa.

Kahapon, nagpa-blotter si Atty. Escolango sa SBMA Law Enforcement Department matapos puwersahang tanggalin ang signage sa kanyang opisina kung saan pinutol pa ang linya ng cell phone, at inilipat na sa ibang opisina ang kanyang dalawang staff.

Nanawagan si Atty. Esco­lango kay Pangulong Noynoy na silipin ang nagaganap na malawakang anomalya sa SBMA.

ADMINISTRATOR ARMAND ARREZA

ADMINISTRATOR ARREZA

CHAIRMAN FELICIANO SALONGA

CHAIRMAN SALONGA

CIVIL SERVICE COMMISION

DEPUTY ADMINISTRNATOR

ESCOLANGO

LAW ENFORCEMENT DEPARTMENT

LEGAL AFFAIRS ATTY

SBMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with