3 todas sa landslide

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang iniulat na nasawi makaraang magu­huan ng lupa dulot ng malakas na pag-ulan sa Barangay Kimatu, sa bayan ng T’boli, South Cotabato kamakalawa. Kabilang sa mga namatay ay sina Melton Otero, 50; Christopher Lagumbay, 35; at Ruben Castro habang naisugod naman sa ospital sina Dusen Cansun, 50 at Mackmack Tamanggong, 28. Sa ulat na nakarating sa Na­tional Disaster Risk Reduction and Management Council, ilang kabahayan sa paanan ng bundok na sumasakop din sa Desawo tunnel ang naguhuan ng lupa mula kabundukan. Nabagsakan din ng malalaking tipak na bato ang mga bahay sa paanan ng bundok sa T’boli Mining Company kung saan namatay ang mga biktima.

Show comments