^

Probinsiya

Medical mission ni Gov Tallado nailunsad

- Ni Francis Elevado -

CAMARINES NORTE, Philippines — Umaabot sa 3,000 residente sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte ang nabiyayaan ng medical and dental mission hatid ng Provincial Mobile Service Caravan  sa pangunguna ni Camarines Norte Governor Edgardo "Egay” Tallado.

Kasabay nito ay bumi­sita sa Camarines Norte si DSWD Sec. Corazon “Dinky” Soliman, kung saan pinapurihan nito ang performance ni Governor Tallado.

 “Bilib talaga ako kay Go­vernor dahil sa halip na ang tao ang lumapit sa kapitolyo, ang kapitolyo ang pumupunta sa mga tao,” pahayag ni Sec. Soliman.

Sa panayam ng PS­NGAYON kay Gov. Tallado, aniya unang pinasimulan ang service caravan sa bayan ng Jose Panganiban kung saan nabiyayaan ang mga residente ng libreng gamot, kabuhayan at agrikultura katuwang ang First Lady na si Josie Tallado na nagbigay naman ng libreng gupit at hot oil.

Namahagi rin ang provincial government ng libreng wheelchair sa mga may kapansanan katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO)

Nagpasalamat naman si Mercedes Mayor Alex Lo kay Gov. Tallado sa ma­laking oportunidad na ibinigay sa kabila ng hindi sila magkapartido ay nagawang ibuhos ni Tallado ang tulong sa kanyang mga kababayan na ang pangunahing pinagkakakitaan ay ang pangi­ngisda. 

CAMARINES NORTE

CAMARINES NORTE GOVERNOR EDGARDO

FIRST LADY

GOVERNOR TALLADO

JOSE PANGANIBAN

JOSIE TALLADO

MERCEDES MAYOR ALEX LO

PROVINCIAL MOBILE SERVICE CARAVAN

PROVINCIAL SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT OFFICE

TALLADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with