2 NPA dedo sa bakbakan
MANILA, Philippines – Bulagta ang dalawang rebeldeng New People’s Army habang apat namang sundalo ang nasugatan matapos sumiklab ang panibagong sagupaan sa liblib na bahagi ng Barangay Tammuco sa bayan ng Sto. Niño, Cagayan kamakalawa. Ayon kay Col. Arnulfo Marcos, commander ng Army’s 502nd Infantry Brigade, ang bangkay ng dalawang rebelde ay tinangay ng mga nagsitakas na kasamahan at inilibing na sa kagubatan. Bandang alas-2:30 ng hapon habang nagsasagawa ng combat operation ang 51st Division Reconnaissance Co. ng Philippine Army sa pamumuno ni 2nd Lt. de Ocampo nang makasagupa ang grupo ng mga rebelde. Agad namang nagsitakas ang mga rebelde matapos na malagasan kung saan narekober sa encounter site ang mga food stuffs at iba pang kagamitan.
- Latest
- Trending