QUEZON ,Philippines – Dalawa-katao ang namatay at dalawang iba pa ang nasugatan matapos na magkarambola ang tatlong motorsiklo at pampasaherong jeepney sa Maharlika Highway sa Barangay Isabang, Lucena City, Quezon, kamakalawa ng gabi.
Idineklarang patay sa Lucena United Doctors Hospital sina Bonita Banagan, 25, ng Mauban, Quezon at John Frank Reano habang sugatan naman sina Michael del Moro ng Sariaya, Quezon at AngeloVillaraza ng Mauban, Quezon.
Sa pagsisiyasat nina PO3 Domingo Rivarez at PO3 Aldin Ranola, lulan ng motorsiklo sina Villaraza at Banagan nang mag-overtake sa passenger jeepney ni Ruben Mendoza subalit nadulas ito at tuluyang bumangga sa kasalubong na motorsiklo ni Reano. Gayon pa man, sumalpok naman ang motorsiklo ni del Moro sa dalawang motorsiklo.