Disaster drill inilunsad
IBA, Zambales ,Philippines — Inilunsad ang malawakang disaster drill and awareness seminar ng lokal na pamahalaan ng Iba, Zambales para paghandaan ang anumang nakaambang dilubyo na mananalasa sa bansa.
Pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council sa pamumuno ni Mayor Adhebert P. Deloso ang disaster seminar na dinaluhan ng mga opisyal mula 12 barangay sa nasabing bayan.
Kabilang din sa mga dumalo ay ang pangkat ng Municipal Health Unit, Bureau of Fire Protection (BFP), mga kinatawan mula sa 24th Infantry Battalion ng Philippine Army, Philippine National Red Cross, World Vision, Trees NGO Philippines, airport officials, safety consultants at mga mamamahayag.
“Napapanahon ang seminar dahil sa dumadalas na kalamidad sa bansa at sa buong mundo at walang sinuman ang makakaalam kung kelan darating ang kalamidad, makakatulong ng malaki sa pagliligtas ng maraming buhay ang kaalaman at pagsasanay sa risk management,” pahayag ni Mayor Deloso. Kasunod nito, patuloy sa pakikipagdayalogo ang lokal na pamahalaan sa mga vendor na nagmamatigas na manatili sa nasunog na palengke na posibleng malagay sa panganib ang kanilang buhay sakaling tumama sa bayan ng Iba ang malakas na lindol.
- Latest
- Trending