Nene nilamon ng ilog

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Isa sa apat na bata ang nilamon ng ilog habang nakaligtas naman ang kanyang mga kalaro kamakalawa sa bayan ng Paracale, Albay. Bandang alas-6 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Rochelle Pudela ng Barangay Sindicato. Base sa police report, magkakasamang naliligo ang apat na bata kabilang ang biktima nang anurin ng malakas agos sa ilog. Sinikap na saklolohan ang biktima subalit nagtuluy-tuloy na bumulusok sa ilog. Nakaligtas naman sa sakuna sina Carmela Quima, 9; Charisse Longares, 9; Maricar Venida, 8; at si Carla Quima, 10. Natagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ng biktima sa dalampasigan ng Barangay Tugos may ilang kilometro ang layo sa nabanggit na ilog.

Show comments