Informer itinumba ng Sparu

MANILA, Philippines - Patay ang isang 40-anyos na informer ng pulisya habang sugatan naman ang kapatid nito makaraang pagbabarilin ng Sparu units, ang liquidation squad ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Magpet, Cotabato kamakalawa.

 Kinilala ang nasa­wing biktima na si Armando Gamboa , agad na binawian ng buhay sa tinamong mga tama ng bala sa katawan.

 Isinugod naman sa pagamutan ang kapatid nitong kinilalang si Fede­rico Gamboa, 44-anyos, sa tinamong tama ng bala sa kaliwang hita.

 Ayon kay Col. Prudencio Asto, spokesman ng Army’s 6th Infantry Division (ID), dakong alas-3:30 ng hapon ng pagbabarilin ang magkapatid ng tatlong ka­sapi ng Sparu  sa bisinidad ng Brgy. Amabel, Magpet ng lalawigang ito.

 Ang mga suspek ay natukoy sa mga alyas na Ka Toto, 18-anyos, isang alyas Ka Danny  at isa pang hindi nakilalang kasamahan ng mga ito; pawang mga Sparu member sa ilalim ni Cornelio Bangkas alyas Ka Punyong ng Guerilla Front (GF 53) ng Southern Min­danao Regional Committee. Iniimbestigahan pa ang kasong ito.

Show comments