MANILA, Philippines - Sabog ang bungo ng isang professor sa kolehiyo habang sugatan naman ang bayaw nito makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang nag-iisang armadong salarin sa naganap na pananambang sa Brgy. San Raymundo, Jolo, Sulu kamakalawa ng hapon.
Idineklarang dead-on- arrival sa Sulu Provincial Hospital sanhi ng tinamong tatlong tama ng bala sa ulo ang biktimang kinilalang si Leopoldo Lay, 50-anyos, professor sa Notre Dame College of Jolo.
Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang bayaw nitong si Romy Sajirin na kaangkas ng biktima sa motorsiklo ng mangyari ang pananambang.
Sa ulat ng Jolo Police, bandang alas-4:50 ng hapon habang binabagtas ng kulay berdeng motorsiklong Honda (PN 8984) na minamaneho ni Lay ang nasabing highway sa harapan ng Sulu Sanitarium ng biglang may pumukol sa mga ito ng pambabato ng binilog na papel at kasunod nito ay pinagbabaril ang mga biktima.
Nagsasagawa na ng follow-up operations ang mga awtoridad sa kasong ito.