2 sundalo dedo sa landmine

MANILA, Philippines - Dalawang sundalo ang iniulat na nasawi habang da­la­wang iba pa ang nasugatan makaraang sumabog ang patibong na landmine ng mga rebeldeng New People’s Army sa liblib na bahagi ng Sitio Gurem, Brgy. Sibulan sa bayan ng Sta. Cruz, Davao del Sur noong Miyerkules ng hapon. Sa phone interview, kinilala ni Army’s 10th Infantry Division spokesman Lt. Col. Lyndon Paniza ang dalawa na sina Pfc Sentina at Pfc Salva. Isinugod naman sa Camp Panacan Hospital ang mga nasugatan kabilang si Sgt. Fuentes. Lumilitaw na naglalakad  ang pangkat ng peace and development team ng Army’s 39th Infantry Battalion upang magsagawa ng house to house sa komunidad para sa isasagawang proyektong pambarangay nang sumabog ang landmine.

 

Show comments