^

Probinsiya

Mag-asawang doctor niratrat

- Ni Tony Sandoval -

QUEZON, Philippines — Namatay habang ginagamot sa ospital ang isang 57-anyos na doktora habang sugatan naman ang kanyang mister na doktor matapos ratratin ng motorcycle-ri­ding gunmen sa Maharlika Highway ng Barangay Lusacan sa bayan ng Tiaong, Quezon, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni P/Se­nior Supt. Atty. Erikcson Velasquez, Quezon PNP director, nasawi si Dra. Maria Paz Paredes habang ginagamot naman San Pab­lo Medical Center si Dr. Rodolfo Paredes, 57, opis­yal ng Candelaria Doctors Hosptial at kapwa nakatira sa Efarca Subdivision sa Barangay IV-A, San Pablo City, Laguna.

Si Dra. Paredes ay tinamaan sa kaliwang dibdib at braso habang ang mister na doctor ay tinamaan sa dibdib at kamay.

Sa imbestigasyon ni PO1 Francisco Almazan Jr., lulan ng KIA Carnival (XAW-265) ang mag-asawa nang pagbabarilin sa Maharlika Highway patungo sa San Pablo City.

Inihinto ni Dr. Paredes sa gilid ng highway ang sa­sakyan gayon pa man ay bumalik ang gunmen at muling niratrat ang mag-asawang doktor saka tumakas patungo sa hindi malamang direksyon.

BARANGAY LUSACAN

CANDELARIA DOCTORS HOSPTIAL

DR. PAREDES

DR. RODOLFO PAREDES

DRA

EFARCA SUBDIVISION

ERIKCSON VELASQUEZ

FRANCISCO ALMAZAN JR.

MAHARLIKA HIGHWAY

SAN PABLO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with