4 graduating students nilamon ng ilog
KASIBU, Nueva Vizcaya, Philippines – Apat na mag-aaral na pawang magtatapos sa high school sa kasalukuyang buwan ang nakasalubong ni kamatayan matapos na malunod habang nagpi-picnic sa Cagayan River sa Isabela kamakalawa.
Kabilang sa mga nasawi ay sina Mary Joyce Bulan, Rey Santos, Rochie Laggui at si Joylyn Cureg, pawang mga 16-anyos at nakatakda sanang magsipagtapos sa 4th year ngayong Marso.
Sa inisyal na ulat, nabatid na ang apat ay kabilang ang 23 iba pang estudyante mula sa Santa Maria High School sa bayan ng Santa Maria, Isabela ay nagtungo sa kahabaan ng Cagayan River noong Martes upang mag-picnic.
Magkakasamang naliligo ang mga biktima nang biglang tangayin at lamunin ng malakas na alon sa ilog kung saan hindi na sila nailigtas pa ng iba pang mga kaklase.
Habang sinusulat ang balitang ito ay patuloy pa rin ang search and rescue team sa paghahanap sa katawan nina Laggui at Cureg kung saan ang mga katawan nina Bulan at Santos ay naunang natagpuan.
- Latest
- Trending