Trak vs trike: Guro dedo

MANILA, Philippines - Patay ang isang guro habang limang iba pa ang nasugatan makaraang bumangga ang traysikel sa kasalubong na truck na may lulang buhangin at graba sa kahabaan ng  national highway sa Barangay Simon, Sta. Maria, Pangasinan kamakalawa ng hapon. Kinilala ang nasawi na si Melba Busania ng Brgy. San Raymundo, Balungao, Pangasinan habang ginagamot naman sa Eastern Pangasinan District Hospital sa Tayug ang mga sugatang sina Roxan Jodal, Rebecca Detorum, Delen Duculan, Maribeth Pugaro at ang drayber ng trike na si Froilan Duculan. Batay sa ulat  na nakarating sa Camp Crame, pauwi na ang mga biktimang lulang ng trike mula sa dinaluhang kumperensya nang makasalubong ang truck ni Marcelino Maniques ng bayan ng Rosales, Pangasinan.

Show comments