^

Probinsiya

2 namblakmail sa mayor tiklo

- Ni Tony Sandoval -

UNISAN, Quezon – Dahil sa maagap na pagkilos ng alkalde na balak biktimahin ng dalawang manloloko, nalansag ng pulisya ang itinuturing na swindling syndicate sa Bondoc Peninsula matapos na maaresto ang dalawa-katao sa bayan ng Mulanay, Quezon, kamakalawa.

Kinilala ni P/Chief Insp. Job de Mesa, chief of police, ang mga suspek na sina Desire Amolar Inciong, 20 at Meynard, 17 (di tunay na pangalan) na kapwa nakatira sa nasabing bayan.

 Sa salaysay ni Mayor Nonato Puache, nag-text sa kanya ang mga suspek at humihingi ng P3,000 kapalit ng kanilang pananahimik kaugnay sa sinasabing pa­ngangaliwa ng mayor.

Sinabi ng alkalde na maliwanag na pamba-blackmail ang ginagawa ng dalawa, gayon pa man, inatasan niya ang pulisya na maglatag ng entrapment operation upang matigil ang mga suspek na marami nang nabibiktima sa Bondoc Peninsula.

Ipinadala ni Mayor Puache sa Smart Padala sa Mulanay,Quezon ang hinihinging halaga ng mga suspek at kasunod niyon ay isinagawa na ng grupo ni P/Insp. Eric Veluz ang etrapment operation.

Nakapiit ngayon sa municipal jail si Inciong habang nasa pangangalaga ng DSWD si Meynard dahil sa menor-de-edad.

vuukle comment

BONDOC PENINSULA

CHIEF INSP

DESIRE AMOLAR INCIONG

ERIC VELUZ

MAYOR NONATO PUACHE

MAYOR PUACHE

MEYNARD

MULANAY

QUEZON

SMART PADALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with