^

Probinsiya

Barangay chairman pinabulagta

- Artemio Dumlao -

BANGUED, Abra, Philippines – Napaslang ang isang 56-anyos na barangay chairman matapos ratratin ng motorcycle-riding assassins sa panibagong karahasang naganap sa bayan ng Bangued, Abra noong Biyernes.

Tatlong bala ng cal. 45 pistola ang tumapos sa buhay ni Chairman Loreto Barbosa ng Barangay Ta­ping sa bayan ng Dolores habang si Kagawad Helen Bisquera, 38, ay tinamaan ng ligaw na bala sa kaliwang braso.

Samantala, dalawang bystander na sina Perical Benedito, 15, 1st year high school student sa Catholic-run Divine Word College sa Bangued at Jocelyn Masaoay, 21, ng Namarabar, Pennarubia ay tinamaan sa kanang tenga.

Si Benedito ay naisugod sa ospital sa Vigan City kung saan inoobserbahan sa Intensive Care Unit habang si Masaoay ay idineklarang out of danger.

Ayon kay Abra police director Senior Supt. Armando Laguiwid, inabangan ng gunmen sina Barbosa at Kagawad Esguera mula sa paglabas sa provincial capital kung saan pinapa-follow-up ang proyekto ng kanilang barangay.

Ayon sa pulisya si Bar­bosa ay napaulat na “marked for death” dahil sa politika.

ABRA

ARMANDO LAGUIWID

AYON

BANGUED

BARANGAY TA

CHAIRMAN LORETO BARBOSA

DIVINE WORD COLLEGE

INTENSIVE CARE UNIT

JOCELYN MASAOAY

KAGAWAD ESGUERA

KAGAWAD HELEN BISQUERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with