Grad stude pinugutan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 16-anyos na graduating student makaraang pugutan ay sinunog pa ang katawan at itinali pa ang ari kamakalawa sa Purok 5, Barangay San Ramon sa Tabaco City, Albay.

Bandang alas-4 ng hapon nang matagpuan ang katawan ni Kevin Ocsemina, 4th year sa Tabaco National High School at nakatira sa Barangay Cobo sa nabanggit na lungsod.

Samantala, naaresto naman ang suspek na si Cyrus Begino Macaspac ng bayan ng Balatan, Camarines Sur.

Lumilitaw na may apat na araw nang nawawala ang biktima at huling namataang buhay na kasama ang suspek.

Nabatid sa ulat ng pulisya na ang biktima ay sinasabing dual citizen kung saan ay karelasyon nito ang suspek bago maganap ang krimen.

Sa impormasyon nakalap ng pulisya, ang suspek ay may nakabinbing kasong kriminal sa Camarines Sur kaya nagtago sa Tabaco City hanggang sa maging karelasyon nito ang biktima.

Show comments