LAGUNA ,Philippines — Hinikayat ni Governor Jeorge ER Ejercito Estregan ang mamumuhunan na maglagak ng kanilang negosyo sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Laguna matapos magpalabas ng opinion survey ang Phil. Information Agency na mas pinakamagandang lugar sa pagnenegosyo ang nabanggit na lalawigan.
Bilang kinatawan ng peace and order sa Calabarzon sa ilalim ng chairmanship ni Laguna Governor Jeorge “ER” Estregan Jr. katuwang ang Laguna PNP sa pamumuno ni P/Senior Supt. Gilbert Cruz, maituturing na magandang paglagakan ng negosyo ang Laguna, ayon sa opinion ng taumbayan.
Tiwala ang mga mamamayan sa administrasyon ni Governor E.R. dahil sa kanyang programa de gobyerno partikular ang 15 kumpletong programa serbisyo kontra kahirapan at gutom.
Ilan sa basehan ng PIA kaugnay sa isinagawang survey na maituturing na paglagakan ng negosyo ay ang kapayapaan kung saan naitala ang Laguna, Nueva Ecija at ang Batangas base sa kanilang “assessment of the PNP performance in last six, month” sa kanilang isinagawang pag-aaral upang madetermina ang opinyon ng bawat sector sa bansa.
Ito ay ilan lamang sa naitalang opinyon ng mamamayan kung saan ang Laguna PNP ay isa rin sa madaling lapitan para maresolba ang anumang krimen.
Pinakamaraming naitala ng PNP na programa para sa komunidad ay ang pagpapalawig ng mga barangay visitation at pagbibigay ng seminar para labanan ang kriminalidad, pagbibigay ng livelihood program sa dating kobrador at operator ng iba’t ibang uri ng sugal.