^

Probinsiya

Laguna, pinakamagandang lugar sa pagnenegosyo

-

LAGUNA ,Philippines  — Hinikayat ni Governor Jeorge ER Ejercito Estregan ang mamumuhunan na maglagak ng kanilang negosyo sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Laguna matapos magpalabas ng opinion survey ang Phil. Information Agency na mas pinakamagandang lugar sa pagnenegosyo ang nabanggit na lalawigan.

Bilang kinatawan ng peace and order sa Calabarzon sa ilalim ng chairmanship ni Laguna Governor Jeorge “ER” Estregan Jr. katuwang ang Laguna PNP sa pamumuno ni P/Senior Supt. Gilbert Cruz, maituturing na magandang paglagakan ng negosyo ang Laguna, ayon sa opinion ng taumbayan.

Tiwala ang mga mama­mayan sa administrasyon ni Governor E.R. dahil sa kanyang programa de gobyerno partikular ang 15 kumpletong programa  serbisyo kontra ka­hirapan at gutom.

Ilan sa basehan ng PIA kaugnay sa isinagawang sur­vey na maituturing na paglagakan ng negosyo ay ang kapayapaan kung saan naitala ang Laguna, Nueva Ecija at ang Batangas base sa kanilang “assessment  of the PNP performance in last six, month”   sa kanilang isinagawang pag-aaral upang madetermina ang opinyon ng bawat sector sa bansa.

Ito ay ilan lamang sa naitalang opinyon ng mamamayan kung saan  ang Laguna PNP ay isa rin sa madaling lapitan para maresolba ang anumang krimen.

Pinakamaraming naitala ng PNP na programa para sa komunidad ay ang pagpapalawig ng mga barangay visitation at pagbibigay ng seminar para labanan ang kriminalidad, pagbibigay ng livelihood program sa dating kobrador at operator ng iba’t ibang uri ng sugal.

EJERCITO ESTREGAN

ESTREGAN JR.

GILBERT CRUZ

GOVERNOR E

GOVERNOR JEORGE

INFORMATION AGENCY

LAGUNA

LAGUNA GOVERNOR JEORGE

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with