RIZAL, Philippines — Pinaniniwalaang may matinding problema sa negosyo kaya nagdesisyong mag-suicide ang isang 37-anyos na negosyante sa harap ng kanyang live-in partner sa Barangay Dolores sa bayan ng Taytay, Rizal kamakalawa ng gabi. Nagbaril sa bibig si Charlton Villegas ng Block 2, Lot 5, Jasmin St., Summerville Subd. sa nabanggit na barangay. Sa ulat ni P02 Aries Sombra, lumilitaw na umiinom ng alak ang biktima habang kausap ang kinakasamang babae kaugnay sa negosyo nang magbunot ito ng baril at itutok sa kanyang bibig. Tinangkang pigilin ng babae ang pagpapakamatay ng biktima subalit hindi na nito naagapan.