P19.5M marijuana sinunog

LA TRINIDAD, Benguet, Philippines – Tinatayang aabot sa P19.5 milyong halaga ng marijuana na nadiskubre sa malawak na plantasyon ang sinunog ng mga tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agency sa isinagawang tatlong-araw na operasyon sa Barangay Tacadang sa bayan ng Kibungan, La Trinidad. Ayon kay P/Chief Inspector Edgar Apalla, officer-in-charge ng Phil. Drug Enforcement Agency-Cordillera (PDEA-CAR), nagsimula ang operasyon noong Linggo kung saan umabot sa apat na oras ang lakbayin mula Benguet. Umabot sa 77,900 puno marijuana ang sinunog sa nabanggit na plantasyon kabilang na ang 3,370 piraso ng marijuana seedlings at 30,000 tangkay ng marijuana. Wala naman naarestong cultivator sa may 22,742 metro kudradong plantasyon, ayon pa kay Afalla.

Show comments