4 tiklo sa pekeng credit card

CAVITE, Philippines – Apat-katao na sinasabing gumagamit ng mga pekeng credit card ang naaresto ng mga operatibang pulisya sa bayan ng Amadeo, Cavite kamakalawa. Kinilala ni P/Senior Insp. Reynaldo Juan ang mga suspek na sina Dennis San Antonio, 31; Erick Enriquez, 27; kapwa nakatira sa Dasmariñas City; Joel Perez, 38; at Roxan Radais na kapwa nakatira sa bayan ng Gen. Mariano Alvarez, Cavite. Sa police report, naaktuhan ang mga suspek sa gumamit ng pekeng credit card sa gasolinahan sa nabanggit na bayan. Napag-alamang namukhaan ng kahera ang grupo ng suspek na naunang gumamit ng pekeng credit sa pagpapakarga ng gasoline kaya ipinagbigay-alam sa pulisya. Dito na inaresto ang mga suspek na lulan ng pampasaherong jeepney (PIE 567) na pagpapakarga sana sa anim na plastic drum ng gasoline.

Show comments