^

Probinsiya

9,000 brd ft. kahoy nasabat

- Ni Victor Martin -

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Aabot sa 9,000 board feet na iba’t ibang uri ng tabla ang nakumpiska ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation kamakalawa ng madaling-araw sa national highway ng Barangay Bonfal Proper sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa ulat ni NBI special investigator Rowan Victor Estrellado, ang nasamsam na kontrabando na pawang mga first class na uri ng red at white lauan ay naipuslit palabas sa bayan ng Maddela, Qui­rino at nakatakda sanang ibiyahe sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Inamin naman ng dray­ber ng delivery van (PWW632) na ni Respicio Busalpac, na walang kaukulang dokumento ang mga tabla.

Ayon sa NBI, ito sana ang ikalawang biyahe matapos maipuslit ang unang delivery noong Biyernes sa isang nagngangalang Susana ng Kapitan Pepe sa Cabanatuan City na siyang itinuturong may-ari ng sasakyan at kontrabando.

Maliban kay Busalpac ay kasamang nasa pa­ngangalaga ngayon ng NBI ay ang pahinante na nakilala sa alyas Roman ng San Jose, Nueva Ecija.

AABOT

BARANGAY BONFAL PROPER

CABANATUAN CITY

KAPITAN PEPE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NUEVA ECIJA

NUEVA VIZCAYA

RESPICIO BUSALPAC

ROWAN VICTOR ESTRELLADO

SAN JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with