^

Probinsiya

SBMA rescue team pa-Japan

- Ni Alex Galang -

OLONGAPO CITY, Philippines — Nakatakdang tumulak ngayon ang humanita­rian contingent ng Pilipinas upang tumulong sa mga sinalanta ng lindol at tsunami sa bansang Hapon noong nakalipas na linggo.

Kabilang sa ipadadalang 40-kataong contingent na search, rescue and medical group ay nagmula sa Subic Bay Metropolitan Autho­rity (SBMA), mga lokal na pamahalaan ng Makati at Pasig gayundin ang pang­kat mula sa Philippine Army, Philippine Medical team at Philippine Coast Guard.

Inaasahan na ang grupo ay lalapag sa Yokota Air Base sa Tokyo kung saan sasalubungin sila ng kinatawan ng Department of Foreign Affairs (DFA) para ihatid sa mga lugar na apektado ng kalamidad.

Ayon ka SBMA Adminis­trator Armand Arreza, ang eight-man SBMA team ng SBMA Fire Department ay tutulong sa search and rescue operations kung saan bitbit nila ang mga makabagong gamit.

Ang pagbuo sa humanitarian contingent ay batay na rin sa direktiba ni Pa­ngulong Benigno “Noynoy” Aquino III na ipadala ang pinakamahusay na search and rescue team sa bansa upang tumulong sa mga naapektuhan ng lindol at tsunami.

vuukle comment

ADMINIS

AQUINO

ARMAND ARREZA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

FIRE DEPARTMENT

PHILIPPINE ARMY

PHILIPPINE COAST GUARD

PHILIPPINE MEDICAL

SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHO

YOKOTA AIR BASE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with