Nabuking na may kulasisi, nag-suicide
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City ,Philippines — Isang 25-anyos na lalaki na sinasabing nabuking ng kanyang ka-live-partner na may ibang kulasisi ang nagbigti sa loob ng boarding house sa Barangay Liboton, Naga City, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Naisugod pa sa Bicol Medical Center subalit idineklarang patay si Jose Eric Parrao. Batay sa ulat ng pulisya, bago maganap na suicide ay naaktuhan ng ka-live-in na may ibang babae na kasama ang biktima sa loob ng kuwarto nito sa boarding house. Kasunod nito, kinompronta ng babae ang biktima hanggang sa mauwi sa hiwalayan kung saan sinasabing dinamdam ng lalaki kaya nagdesisyong magbigti.
- Latest
- Trending