Shootout: 2 holdaper tumba

RIZAL, Philippines —  Dalawa sa tatlong holdaper ang iniulat na napatay matapos na makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa bayan ng Taytay kahapon ng hapon. Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawa na sinasa­bing responsable sa panghoholdap sa Flying V gasoline station sa Techno Park sa Highway 2000, Barangay San Juan, Taytay, Rizal. Sa ulat na natanggap ni P/Senior Supt. Manuel Prieto, lumilitaw na ilang concerned citizen ang nag-report sa pulisya na may nagaganap na holdapan sa gasolinahan. Kaagad naman rumesponde ang pulisya kung saan namataan naman ang mga holdaper na lulan ng motorsiklo. Dito na nagkabarilan matapos maunang mamaril ang tatlo. Nakatakas naman ang isa na lulan ng motorsiklo habang narekober ang dalawang baril at iba’t ibang identification cards.

Show comments