Shootout: 2 tulak-droga utas

MANILA, Philippines - Tatlo sa dalawang notoryus na drug pusher na pinaniniwalaang may alyansa sa mga bandidong Abu Sayyaf ang napaslang habang dalawang iba pa ang nasugatan sa naganap na shootout sa Isabela City, Basilan kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga napatay na sina Baljuber Jawali at Nadjar Majuki na nasa watchlist ng pulisya at militar. Samantala, sugatan naman sina PO1 Dennis Aquino ng Isabela City PNP station at Chairman Noel Mirasol ng Brgy. Sta. Barbara. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, sumiklab ang bakbakan matapos makatanggap ng impormasyon kaugnay sa presensya ng tatlong armadong kalalakihan sa bisinidad ng Brgy. Sta Barbara,  Malamawi Island, Isabela City. Agad namang nagresponde ang mga awtoridad at nakabarilan ang mga bandido kung saan nahagip ng ligaw na bala sina Aquino at Mirasol.

Show comments