Mister tinodas sa pagkakautang
CAVITE ,Philippines — Isang 36-anyos na mister ang iniulat na nasawi makaraang pagbabarilin ng kanyang nakaalitan dahil sa pagkakautang kamakalawa ng umaga sa bahagi ng Barangay Pasong Camachile sa bayan ng General Trias, Cavite. Apat na bala ng baril ang tumapos sa buhay si Galileo Miranda ng Maricris Complex sa nabanggit na barangay. Tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Christian “Buddah” De Ocampo ng Dexterville Subdivision sa Brgy. Malagasang 2 sa bayan ng Imus, Cavite. Base sa police report, kinompronta ng suspek ang biktima dahil sa sinasabing pagkakautang nito hanggang sa magkasigawan ang dalawa na humantong sa pamamaril.
- Latest
- Trending