500 sundalo vs Bukidnon ambushers
MANILA, Philippines - Aabot sa 500 sundalo ng Phil. Army ang tumutugis ngayon sa mga rebeldeng New People’s Army na nanambang sa pangkat ng pulisya kung saan tatlong pulis at barangay chairman ang napaslang sa Barangay Magsaysay, Malaybalay City, Bukidnon kamakalawa.
Ayon kay Army’s 4th Infantry Division spokesman Major Eugenio Julio Osias, kabilang sa mga nasawi ay sina PO1 Ronel Bayta, PO1 Jaime Natil, PO3 Joumar Cahig na pawang miyembro ng SOCO team at isang barangay chairman.
Samantala, sugatan naman ang apat pang pulis na sina P03 Glenn Pamisa, PO3 Zandrex Llido, P01 Angelo Linaban at PO1 Xerxes Bon Palasol.
Lumilitaw na rumesponde at mag-iimbestiga ang mga biktima kaugnay sa pagpatay ng mga rebelde kay dating Chairman Antonio Retchora sa Barangay Mapayag sa Malaybalay City nang tambangan ng grupo nina Kumander Bagwis, Ronald at Kumander Yong.
- Latest
- Trending