Tulak tiklo sa P.375M shabu

CAMARINES NORTE, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng isang 51-anyos na misis makaraang maaresto ng mga ope­ratiba ng pulisya at Phil. Drug Enforcement Agency sa isinagawang buy-bust operation sa Superlines Bus terminal sa Brgy. Camambugan, Daet, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ni P/Senior Supt. Antonio Gardiola Jr, ang suspek na si Marilyn Gaza, 41, ng Phase 12, Blk 53, Lot 3 Riverside, Tala, Caloocan City at tubong Brgy. Dogongan, Daet, Camarines Norte. Nasamsam sa suspek ang 25 gramo na nagkakahalaga ng P375,000 at mark money na ginamit sa operayon. Ayon sa police report, naunang naaresto ang retiradong Army Sgt. na si Joselito Ladrillo matapos ang buy-bust sa bahagi ng Brgy. 7 sa bayan ng Daet noong Huwebes ng umaga kung saan nakumpiska ang 2.5 gramo ng shabu, mark money, at baril.

Show comments