^

Probinsiya

SUV nag-dive sa bangin: 5 dedo

-

BENGUET, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa lima-katao matapos na mahulog ang kanilang sasakyan sa may 40 metrong lalim na bangin sa bahagi ng Sitio Tokang, Camp 3, Kennon Road sa bayan ng Tuba, Benguet kahapon ng umaga.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Benjamin Lusad, nakilala ang mga nasawi na sina Francisco Orencia, 55, ng Upper Fairview, Baguio City; Marie Margarette Caoili, 51, ng Palma Street, Baguio City; Cleotilda Balderas, 61, ng Roman Ayson Road; Ma. Reginald Jaramillo, 63, ng Bagong Bayan, Bagiuo City. At isa na nakilala lamang sa pangalang Jenny ng Tarlac.

Samantala, malubha naman nasugatan si Marilou Camacho, 62, Upper QM na naisugod sa Baguio General Hospital.

Lumilitaw na makikipag-celebrate ng birthday sa isang kaibigang pari sa Monesteryo de Tarlac ang mga biktimang lulan ng pulang Mitsubishi Pajero (WEG-254) na minamaneho ni Francsico nang naganap ang trahedya sa bahagi ng Sitio Tucan sa Barangay Camp 3 dakong alas-7 ng umaga.

Napag-alamang katatapos lamang bumuhos ng ulan kaya naging madulas ang kalsada kung saan sinasabing isa sa dahilan kaya naganap ang trahedya. Artemio Dumlao at Ricky Tulipat

ARTEMIO DUMLAO

BAGIUO CITY

BAGONG BAYAN

BAGUIO CITY

BAGUIO GENERAL HOSPITAL

BARANGAY CAMP

BENJAMIN LUSAD

CLEOTILDA BALDERAS

FRANCISCO ORENCIA

KENNON ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with