Bus bombing: 7 sugatan

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Pito-katao na lulan ng pampasaherong bus ang iniulat na nasugatan makaraang sumabog ang bomba sa gitna ng highway sa hangganan ng Barangay Alip, Datu Paglas at Barangay Kayaga, Pandag sa Maguindanao kahapon ng umaga. Kabilang sa mga nasugatan ay ang mag-asawang Zoren at Zenaida Madidis, Muslimin Lidtongan, Jovelyn Pag-ang, Kampua Abdul, bus inspector; conductor ng bus na si Dodoy Castro at ang drayber na si Celso Fernandez. Ayon kay P/Insp. Mark Donnald Edquival, itinanim ang bomba na gawa sa 60mm mortal sa gitna ng highway kung saan bumabagtas ang Grand Courier Bus (MVG -221) na patungong Davao City mula sa Tacurong City. Pinaniniwalaang grupo ng Al Khobar extortion gang ang nasa likod ng insidente habang patuloy ang imbestigasyon.

Show comments