BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Isang kahera ng Registry of Deeds sa lambak ng Cagayan ang pinagbabaril at napatay ng mga maskaradong kalalakihan sa Tuguegarao City, Cagayan kamakalawa ng umaga.
Kinilala ni P/Supt. Pedro Martirez, Tuguegarao City police director, ang napaslang na si Luzviminda Gabriel, 48, ng ROD regional office cashier at residente ng nasabing lungsod.
Base sa police report, niratrat ang Toyota Avanza ni Martinez subalit hindi ito tinamaan kaya mabilis na bumaba sa kanyang sasakyan saka tumakbo sa loob ng panciteria sa Bonifacio Street para humingi sana ng tulong.
Nabatid na si Gabriel ay naglaro muna ng badminton sa nabanggit na lungsod, bago nakasalubong si kamatayan.
Gayon pa man, sa halip na tumakas ay hinabol pa ng mga suspek ang biktima hanggang sa makorner at tatlong ulit na pinutukan ng baril.
“The victim was hit on the nape and back with one of the bullets piercing through her chest, we are still looking into every possible motive for the killing, whether job-related personal,” pahayag ni Martirez.
Bago maganap ang krimen, nakakatanggap na ng pagbabanta ang biktima mula sa 'di kilalang grupo. Dagdag ulat ni Joy Cantos