^

Probinsiya

Kahera ng Registry of Deeds, nilikida

- Ni Victor Martin -

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Isang kahera ng Registry of Deeds sa lambak ng Cagayan ang pinagbabaril at napatay ng mga maskaradong kalalakihan sa Tuguegarao City, Cagayan kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni P/Supt. Pedro Martirez, Tuguegarao City police director, ang napaslang na si Luzviminda Gabriel, 48, ng ROD re­gional office cashier at residente ng nasabing lungsod.

Base sa police report, niratrat ang Toyota Avanza ni Martinez subalit hindi ito tinamaan kaya mabilis na bumaba sa kanyang sasak­yan saka tumakbo sa loob ng panciteria sa Bonifacio Street para humingi sana ng tulong.

Nabatid na si Gabriel ay naglaro muna ng badminton sa nabanggit na lungsod, bago nakasalubong si kamatayan.

Gayon pa man, sa halip na tumakas ay hinabol pa ng mga suspek ang biktima hanggang sa makorner at tatlong ulit na pinutukan ng baril.

“The victim was hit on the nape and back with one of the bullets piercing through her chest, we are still looking into every possible motive for the killing, whether job-related personal,” pahayag ni Martirez.

Bago maganap ang krimen, nakakatanggap na ng pagbabanta ang biktima mula sa 'di kilalang grupo. Dagdag ulat ni Joy Cantos

BONIFACIO STREET

DAGDAG

GAYON

JOY CANTOS

LUZVIMINDA GABRIEL

NUEVA VIZCAYA

PEDRO MARTIREZ

REGISTRY OF DEEDS

TOYOTA AVANZA

TUGUEGARAO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with