^

Probinsiya

Jailbreak: 5 preso pumuga

- Ni Mer Layson -

RIZAL ,Philippines  – Isa sa limang pugante ang iniulat na napaslang habang tatlong iba pa ang naaresto sa tangkang pagpuga sa kulungan sa bayan ng Teresa, Rizal kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay P/Senior Supt. Manuel Prieto, kinilala ang napatay na pugante na si Mario Cruz, 50, na may kasong drug pushing habang naaresto naman sina Reynaldo Tampepe, 44, (rape); Gary Borja, 35, (droga); at si Norman Pollarca, 24, (murder).

Patuloy naman tinutugis ng mga awtoridad ang nakapugang si Jomer Cruz, 25, (drug pushing).

Lumilitaw na binaklas ang exhaust fan na nasa bu­bong ng banyo ng kulungan sa kanilang selda bago magkakasunod na tumakas.

Subalit namataan naman ng guwardiyang si JO1 Lito Panganuran ang papatakas na mga preso kaya naaresto ang tatlong preso.

Gayon pa man, napatay si Cruz matapos mang-agaw ng baril at makipagbarilan sa mga rumespon­deng pulis.

Kaagad namang bumuo ng task force ang pulisya para tugisin ang nakatakas na si Jomer na sinasabing nagtatago sa bayan ng Morong, Rizal.

Dahil sa jailbreak, kaagad na sinibak ni BJMP director Rosendo Dial ang jailwarden na si J/Supt. Amado Concepcion.

vuukle comment

AMADO CONCEPCION

GARY BORJA

JOMER CRUZ

LITO PANGANURAN

MANUEL PRIETO

MARIO CRUZ

NORMAN POLLARCA

REYNALDO TAMPEPE

RIZAL

ROSENDO DIAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with