Hi-tech city hall itatayo
SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan , Philippines — ‘‘Panahon na para magpagawa ng makabagong government Centre para mapagsilbihan ang taumbayan.’’
Ito ang ipinahayag ni San Jose del Monfe City Mayor Reynaldo San Pedro sa ginanap na maikling pagpupulong kasama ang kanyang mga opisyal na ginanap sa local resort sa nabanggit na lungsod.
Bumuo na ng site selection committee na mangangasiwa sa paghahanap ng limang ektaryang lupang pagtatayuan ng government centre kabilang ang modernong city hall na magsisilbi sa mga residente mula sa 59 barangay.
‘‘Binalak na ito ng mga nakaraang administrasyon, pero sa termino ko ito uumpisahan kung saan aabot P200 ang semento, baka kung kelan mas mataas na ang presyo ay saka na tayo gagawa,’’ pahayag pa ni Mayor San Pedro
Ang lupang pagtatayuan ng makabagong city hall ay dapat nasa strategic location na madaling mapuntahan ng taumbayan kung saan may posibilidad na maging sentro ng ekonomiya sa hinaharap.
Sa sinumang may-ari ng lupain na tutugon sa panawagan ng lokal na pamahalaan ay magtungo sa Site Selection Committee Secretariat Office simula Marso 8, 2011. O dili kaya’y tumawag sa (044)691258 at hanapin si Atty Mercado.
- Latest
- Trending