Mastermind ng carnapping gang tiklo

MANILA, Philippines –  Naaresto ng mga operatiba ng Highway Patrol Group-Task Force Limbas ang isang itinuturong mastermind ng isang notoryus na carnapping gang sa follow-up operations sa Dau, Pampanga nitong Biyernes ng gabi. Kinilala ni PNP-HPG Director P/Chief Supt. Leonardo Espina ang nasakoteng suspek na si Rommel Malong, 41-anyos, residente ng #3119 Edwina St., Nepo Subdivision, Angeles City. Bandang alas-6:30 ng gabi ng masakote ng mga elemento ng HPG-Task Force Limbas sa pamumuno ni Supt. Ronald Lee sa pakikipagkoordinasyon sa Dau Police si Malong. Sinabi ni Espina na ang grupo ni Malong ay sangkot sa pagnanakaw ng taxicabs sa mga driver  sa CAMANAVA area na pinapalitan ng mga ito ng kulay, ginagamitan ng mga pekeng dokumento saka ipinagbibili sa kanilang mga kliyente sa murang halaga. Nasamsam rin sa operasyon ang dalawang kinarnap na behikulo na kinabibilangan ng dalawang Toyota Vios Sedans  na may plakang NID-344 at NQE -973. 

Show comments