^

Probinsiya

High school coed ni-rape-slay

- Ni Tony Sandoval -

ATIMONAN, QUEZON, Philippines  — Nakasuot pa ng kulay rosas na gown na ginamit sa Junior Senior Prom ang isang 15-anyos na estud­yante nang matagpuan itong wala ng buhay na hinihinalang ginahasa bago pinatay ng dati nitong boyfriend sa tabi ng slaughter house sa Purok Munting Sambat, Brgy. Tagbakin ng bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Ang biktima ay ipinatago ng pamilya nito sa panga­lang Arleen, 3rd Year  sa Maligaya National High School sa Brgy. San Isidro.

Arestado naman sa follow-up operation ang suspek na si Arjay Pabit, 21-anyos, tricycle driver at residente ng naturang barangay.

Base sa imbestigasyon ni PO2 Joven Camba, dakong alas-5:30 ng umaga ay masayang nagpaalam ang biktima sa kanyang mga kaibigan na uuwi na matapos ang kanilang masayang JS Prom.

Sumakay ang biktima sa tricycle ng suspek at nagpahatid subali’t sa halip na sa kaniyang bahay dalhin ay dinala siya nito sa slaughter house at doon ay niyayang makipag-sex.

Nang tumanggi ang biktima ay hinalay ito ng suspek na hindi pa nakuntento ay pinukpok pa ng bato sa mukha, ulo saka pi­­nagsasaksak pa ng screw driver hanggang mapatay at iniwang duguang nakalugmok.

Nang madakip ang suspek sa kaniyang tahanan ay nakuha sa compartment ng kanyang tricycle ang shoulder bag at sandalyas ng biktima gayundin ang pag-aari nitong damit, tsinelas at ang screw driver na ginamit sa krimen.

ARESTADO

ARJAY PABIT

BRGY

JOVEN CAMBA

JUNIOR SENIOR PROM

MALIGAYA NATIONAL HIGH SCHOOL

NANG

PUROK MUNTING SAMBAT

SAN ISIDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with