^

Probinsiya

Hukay gumuho, 2 patay

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nalibing nang buhay ang dalawang metal scrap boys habang isa pa ang grabeng nasugatan matapos maguhuan ng lupa sa mahigit limang talampakang hukay kamakalawa  ng gabi sa Brgy. Sto. Domingo, Bay, Laguna.

Kinilala ni Sr. Supt. Gilberto Cruz, Director ng Laguna Provincial Police Office (PPO) ang mga nasawing biktima na sina Regino Manzanilla, 30-anyos; Jomar Ermino, 37; pawang mga scrapboys. Ang mga ito ay idineklarang dead-on-arrival sa Pagamutang Pangmasa ng Laguna.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa nasabing pagamutan ang isa pa ng mga itong kasamahan na si Ronald Singco na nagtamo ng mga sugat sa katawan sa insidente.

Batay sa report, sinabi ni Cruz na bandang alas-11:30 ng gabi ng makatanggap ng tawag sa telepono ang Bay Police hinggil sa pagkaka-trap ng mga biktima sa hinuhukay ng mga itong lupa sa ECO Asia Compound  sa Brgy. Sto. Domingo, Bay ng lalawigang ito.

Nabatid na naghahanap ng scrap metals ang mga biktima sa kanilang hinuhukay nang maguhuan ang mga ito ng bumigay ang lupa sa lugar. 

vuukle comment

ASIA COMPOUND

BAY POLICE

BRGY

DOMINGO

GILBERTO CRUZ

JOMAR ERMINO

LAGUNA PROVINCIAL POLICE OFFICE

PAGAMUTANG PANGMASA

REGINO MANZANILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with