Mansion ng Ampatuan nasunog

MANILA, Philippines –  Nilamon ng apoy ang sinasabing isa sa sampung mansion ng maimpluwensyang angkan ng mga Ampatuan sa Marfori Heights, Davao City kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay P/Supt. Rene Aspera, bandang alas-2:30 ng madaling-araw nang masunog ang mansion ng isa sa mga misis ni ex-Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr.

Sinabi ni Aspera na naabo ang basement, tagilirang bahagi ng mansion at ang Nissan Terrano na nakaparada sa garahe na may 10-talampakan ang konkretong bakod at pa­laging naka-padlock.

Lumilitaw na caretaker lamang ng pamilya Ampatuan ang nasa loob ng compound nang masunog ang mansion kung saan naapula bago mag-alas-4 ng madaling-araw.

Nakakita naman ang mga arson investigator ng isang bote ng softdrinks na pinaniniwalaang pinag­lagyan ng gasolina kaya lumutang ang teorya na sinadya ang sunog na aabot sa P1 milyong halaga ng ari-arian ang napinsala.

Show comments