3 arestado sa pagnanakaw

BATAAN, Philippines — Nagwakas ang modus-operandi ng tatlong kalalakihan na sinasabing katiwala ng kanilang kompanya matapos maaktuhan ng pulisya na nagpupuslit ng P.2 milyong halaga ng ari-arian mula sa AFAB Eco Zone sa bayan ng Mariveles, Bataan kamakalawa ng gabi. Pormal na pinakasuhan ni P/Senior Supt. Arnold Gunnacao ang mga suspek na sina Eduardo Venavidez, 46, ng Guimba, Nueva Ecija; Jerry Cielo, 40, ng Guagua, Pampanga at si Jerry Masiglat, 46, ng Zaragosa, Nueva Ecija. Ayon kay P/Supt. Romell Velasco, ang tatlo na lulan ng kotse na may plakang PMP 407 ay nasabat matapos ipuslit ang mga rolyo ng electric wire at 2 circuit breaker.

Show comments