^

Probinsiya

245 arestado sa pagyoyosi

- Ni Victor Martin -

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Umaabot na sa 245-katao ang inaresto ng mga awtoridad matapos ipatupad ang pagbabawal na panigarilyo sa pampublikong lugar sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Sa pinakahuling ulat ng Provincial Peace and Order Council kamakalawa, karamihan sa mga nalambat na nagmula sa mga bayan ng Solano, Bambang at Bayombong ay nag-community service bilang kaparusahan kaysa sa magbayad ng kaukulang multa. Habang lima lamang ang nagbayad ng P1,500.

Ang smoke-free ordinance ng Nueva Vizcaya na ipinatupad noong Nov. 23 sa pangunguna ng provincial government, pulisya, Department of Health, ibat ibang ahensiya ng pamahalaan at pribadong sector ay nagbabawal sa sinuman na manigarilyo sa mga pampublikong lugar, opisina o establisyemento.

 “There’s no one exempted here. We are serious in our campaign against smoking in public. Even I myself and the Vice Governor, we are not exempted from the ban,” pahayag ni Gov. Luisa Lloren Cuaresma.

“Perhaps, we are the only government unit in the country which is serious in implementing a ban on smoking in public places, which already a national law for years,” pahayag naman ni Vice Gov. Jose Gambito.

Nakasaad sa ordinansa na magbabayad ng halagang P1,500 sa 1st offense, P2,500 sa 2nd offense at P5,000 naman para sa 3rd offense.

vuukle comment

BAMBANG

BAYOMBONG

DEPARTMENT OF HEALTH

EVEN I

JOSE GAMBITO

LUISA LLOREN CUARESMA

NUEVA VIZCAYA

PROVINCIAL PEACE AND ORDER COUNCIL

VICE GOV

VICE GOVERNOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with