BANGUED, Abra, Philippines – Napaslang ang isang 27 anyos na misis na buntis makaraang pagtatagain ng kanyang live-in partner sa hangganan ng Barangay Dalimag sa bayan ng San Isidro at Barangay Calot-Tablac, Bangued, Abra. Sa police report na nakarating kayP/Senior Supt. Amando Lagiwid, Abra PNP director, ang bangkay ng walong buwang buntis na si Rosette Ponce ng Tanay, Rizal ay namataang itinapon ng suspek na si Ronald Pacurza, 30 kung saan naaresto naman sa follow-up operation. Sinabi ni Lagiwid na ang suspek ay may diperensiya sa pag iisip.