Mag-ama nilikida sa traysikel

CAVITE, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa mag-amang lulan ng traysikel makaraang pagbabarilin ng dalawang 'di-pa kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo sa bahagi ng Barangay Molino 3 sa bayan ng Bacoor, Cavite kamakalawa.

Kinilala ang mga napaslang na sina Arnold Soterro Sr., 38, vegetable vendor; at Arnold Soterro Jr., 8, kapwa nakatira sa Piña Street sa Phase-1 Camella West, Camella Subd. sa nabanggit na barangay.

Sa ulat ni PO2 Rodiar De La Peña, naitala ang krimen dakong alas-10:30 ng umaga habang lulan ng traysikel (VL7925) ang mag-ama.

Lumilitaw na hinarang at niratrat ng motorcycle-riding gunmen ang traysikel na minamaneho ng matandang Soterro kung saan nadamay sa pagsalubong ni kamatayan ang kanyang anak.

Naisugod pa sa Metro South Hospital ang mag-ama subalit idineklarang patay habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

Show comments