6th Gng. Buntis Pageant 2011 nailunsad

BATAAN, Philippines  — Nagpatalbugan at nagpakitang gilas ang 16 na buntis na misis mula sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Mariveles, Bataan matapos lumahok sa 6th Gng. Buntis Pa­geant 2011 na ginanap sa Peoples Park sa Barangay Poblacion sa nabanggit na bayan.

Nagpagandahan at nagpaseksihan sa kanilang mga suot na casual dress ang mga contestant at habang ipinapakilala ang bawa’t isa ay sinasaliwan naman ng mga tugtugin ng PUP Banda Kawayan Band na ang pinakabatang kalahok ay may edad 18 habang 34-anyos naman ang pinakamatandang kalahok.

Tinanghal bilang Gng. Buntis 2011 ay si Maecy Abad, 20, 6th month pregnant with first baby ng Barangay Cabcaben; 1st runner-up si Veronica Monica, 33, 7th month pregnancy with her first baby ng Barangay Camaya; 2nd runner-up naman si Aicy Javier, 19, 6th month pregnancy with her first baby; 3rd runner-up si Cristina Manansala, 18, 5th month with first baby habang ang 4th runner-up naman ay si Janice dela Cruz, 20, 5th month pregnant with her first baby ng Barangay Lucanin.

Samantalang nagkamit naman ng special award sina Josephine Emitario, 30, 4th month pregnant with her 4th baby ng Barangay San Carlos bilang Photogenic at nakuha din nito ang Congeniality Award habang nakamit naman ni Janice dela Cruz ang best in Long Gown at Best in Talent si John Cooper Sapang, 22, 7th month pregnant with her 2nd baby ng Barangay Baseco.

Ang mga nagwagi ay tumanggap ng cash money, boque, trophy, at sash

Ayon kay Mariveles Mayor Jessie Concepcion ang paligsahang ito ay hindi ginagawang katatawanan lamang o katawa-tawa habang pinapanood kundi ang layunin nito ay para ituro sa mga batang ina kung papaano nila ibibigay ang pagpapahalaga sa kanilang anak habang nasa loob ng sinapupunan.

Show comments