Bata dedo, 20 sugatan sa karambola
QUEZON, Philippines — Isang 3-anyos na batang lalaki ang iniulat na nasawi habang 20 iba pa ang nasugatan matapos na araruhin ng pampasaherong bus ang tatlong sasakyan at isang tindahan sa Sitio Sambat, Barangay Sto. Cristo sa bayan ng Sariaya, Quezon, kamakalawa ng hapon.
Hindi na umabot ng buhay sa ospital si Jethro Mayuga samantalang naisugod naman sa iba’t ibang ospital ang mga sugatang sina Eutico Mayuga, Lorena Mayuga, Priscilo Lagwasan, Josephine Lagwasan, Kristine Kamille Alcala, Raniel Closa, Angel Hutalla, conductor, Crisiel Espanol, Anabel Labra, Judilyn Lomboy, Rebecca Magdami, Marivic Bricana, Elisah Guevarra, Asonith Guevarra, Lolita Ramirosa, Danilo Arabis, Felia Arabis, Catherine Ramos, Lucky Ramos, at si Shiel Zuniga.
Sa imbestigasyon nina PO3 Noriel Banaag at PO2 Andro Radones, lumilitaw na patungong Bicol mula sa Tagkawayan nang mag-overtake ang AB liner (DXL 555) ni Mark Atendido sa isang motorsiklo subalit may nakasalubong kaya bumalik ulit sa kanyang linya.
Dito na sumabit sa isa pang motorsiklo, multicab (YAB 162) at traysikel (PN 9643) kung saan bumangga sa isang tindahan na kinatatayuan ng batang Mayuga.
Tumakas naman si Atendido, 22, ng Cainta, Rizal matapos ang sakuna.
- Latest
- Trending