^

Probinsiya

P20,000 napulot isinauli ng 11-anyos

- Ni Victor Martin -

ILAGAN, Isabela, Philippines   – Isang 11-anyos na batang babae ang nagsauli ng malaking halaga na kanyang napulot sa gilid ng kalsada sa bayan ng San Guillermo, Isabela noong Miyerkules ng umaga.

Ayon sa ulat ng pulisya kahapon, kinilala ang ulirang mag-aaral na si April Joy Marayag, isang Grade 6 pupil sa San Guillermo Elementary School ng bayan ng San Guillermo.

Ayon kay P/Chief Senior Inspector Charlemagne Tabije, dakong alas-5 ng hapon noong Miyerkules habang papauwi si April Joy nang mapulot ang isang bag na naglalaman ng malaking halaga sa gilid ng kalsada malapit sa pamilihang bayan.

Sa halip na itago ay nagpasama si April Joy sa kanyang mga kaklase upang dalhin sa himpilan ng pulisya ang napulot na bag.

Nang buksan sa himpilan ng pulisya ang napulot ng bata ay lumantad ang P20,775 cash na pag-aari ni Maribel dela Cruz, 33, ng Barangay Decaraoyan, Echague, Isabela batay sa iba pang dokumentong nakita sa loob ng bag.

Ilang minuto pa ay nagtungo rin sa himpilan ng pulisya si Dela Cruz upang ipagbigay alam sana ang nawawalang bag subalit labis ang pagkabigla nang malaman na nasa pangangalaga na ng pulisya ang kanyang nawawalang bag na naglalaman ng pera.

Dahil sa kagandahang loob ng mag-aaral ay binigyan ng gantimpala ni Dela Cruz.

“We don’t know exactly how much had the lady given the girl, but on the part of the municipality of San Guillermo, we had already talked with the mayor that a token reward will likewise be given to her and her classmates by the town government,” dagdag ni Tabije.

vuukle comment

APRIL JOY

APRIL JOY MARAYAG

AYON

BARANGAY DECARAOYAN

CHIEF SENIOR INSPECTOR CHARLEMAGNE TABIJE

DELA CRUZ

ISABELA

MIYERKULES

SAN GUILLERMO

SAN GUILLERMO ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with