3 dakma sa illegal logging
BULACAN, Philippines – Kulungan ang binagsakan ng tatlong kalalakihan makaraang maaktuhan ng pulisya na nagpuputol ng troso sa bulubunduking bahagi ng bayan ng Norzagaray, Bulacan kahapon. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Dominador Tañada, 65; Arnold Baco, 27; at si Joey Asuela 26, pawang nakatira sa Brgy. Upper Bigte sa bayang nabanggit. Base sa ulat nagpunta ang ilang residenteng nagmamalasakit sa kalikasan sa himpilan ng lokal na pulisya at inulat na ilang kalalakihan ang kasalukuyang nagpuputol ng mga malalaking kahoy sa isang bahagi ng bundok sa bayang ito. Nasamsam sa mga suspek ang isang chain saw at ang 23 pirasong mahahabang puno na nakalatag sa ilog.
- Latest
- Trending